waaah! may hang-over pa rin ako! shucks! grabe! ang saya ng UP KAME! kasama ko pagpunta don yung classmate ko na si Cel. mga 1:30-2:00 pm yata ang oras nang kami'y makarating. nakakahiya nga kay Cel kasi late ako sa meeting namin. censia na po... *pisu*
pagkarating namin dun, nagsisimula na yung program.. una kong nakita si Zyn, tsaka ang kanyang mga sisters at kanyang Mama. na-meet ko din si Joan--yung former classmate ko nung elementary... saya! nagulat nga ako nang makita ko sia eh.
nagpicture-picture kami nina
Zyn, kaya lang si Cel ayaw sumama.. nahihiya yata. after that, humiwalay muna kami, at tumingin-tingin sa mga stands sa loob.
si Cel, bumili ng Otakuzine at Naruto stuff. ako naman, naghihintay na dumating si
Chinny para sa mga orders ko. tapos napunta kami sa left side ng hall kung saan may bidding.. grabe! feast for the eyes talaga yung mga posters.. may Gackt, Hyde, L'Arc~en~Ciel at Dir en grey. nagpaburn si Cel ng DNAngel tsaka nag-bid sa isang poster ng Diru. sabi pa niya, para daw sakin yon. ako naman, di ko sineryoso... kala ko loko lang.. nagpaburn din ako ng Macabre album ng Deg.
napagod kami, kaya umupo muna kami sa mga vacant seats sa likod. nakakatuwa at nakakatawa yung mga sumali sa karaoke contest, tsaka yung mga nag-perform ng Karate. dapat nga sasali ako, kaso puro mga Jpop ang kinakanta nila, so hindi na ako sumali.. *nice ang lakas ng loob!*bawat minuto yata lagi naming tinitingnan yung bid namin, baka kasi may nagpatong. buti naman wala... tapos, nakita ko din si
Micchie,
Akki at
Patty.
pumila kami sa isang area kung saan nagbibigay yung HERO ng freebies--stickers! ang cute! cosplay na, maraming rumampa. shucks! nakakalunod yung mga nagcosplay ng Naruto. ang dami nila! nakakatuwa sila at tsaka yung comic cosplay.. omg! nakakatawa talaga!
siguro around 5:30-6:00 pm dumating si
Chinny nakuha ko na rin yung mga orders ko. yun, konting usap kami..
bumalik uli kami sa bidding area kaso di pa daw ma-re-release, mga 7:00 pm pa daw, so dinaanan muna namin yung Macabre ko, tapos pumunta kami sa 2nd floor.
grabe! freaky talaga! lagi na lang lumalapit yung Korean-looking guy sa min. pagpasok pa lang namin sa entrance, nasa tabi na namin sia. tapos sa 2rats nandun din sia, at katabi namin sia sa panonood ng cosplay, pati ba naman sa 2nd floor! whoah! siguro stalker ni Cel! *lol* pero in fairness, ganda ng eyes nia ha...
bumaba kami, tapos pinuntahan na namin yung bidding area. at wala talagang nagpapatong! shucks! ang saya namin! ilang minutes na lang... at nagcount-down pa kami! 3..2..1.. yeheey! binigay na yung poster. buti konti lang ang Diru fans... hehehe *salbahe ko* nagulat ako, nang inabot nia yung poster. sabi nia gift daw nia sakin. sabi ko: "ah.. okay. talaga? wag na.." pero seryoso yung mukha nia, so ako naman, talagang na-suprise. i waited for it to sink in my system, tapos tsaka ako natuwa! niyakap ko nga sia, at nagulat sia. buti di ako sinuntok... hehehe..
yon, nagpaalam kami sa kanila.. sayang nga lang kasi isang banda lang ang nakita namin--yung Progeny.. hai... but still, masaya pa rin ako! dami kong bitbit!
...kaso kabado ako kasi baka pagalitan ako, dahil gabi na ko nakuwi. at thank goodness! di ako pinagalitan! ang ganda talaga ng araw ko! sabi pa ni Cel, pinagdasal daw kami ni Totchi at Kaoru kaya ang saya namin...
kinabukasan, test sa UST. ang aga kong ginising ng Mom ko. grabe.. full support ako dahil kasama ko buong pamilya ko sa pagkuha ko ng test. hehehe...
yon, buti naman maaga pa kaming nakarating. nakita ko yung mga schoolmates ko na si Owen at Meji. pareho kami ng building, kaso iba ng floor, so we parted. kala ko nga di ko makikita yung room ko, buti naman at nakita ko..
grabe ang tagal bago kami pinapasok sa room. we waited for 3 minutes for our proctor, buti naman sumipot pa sia.. inarrange kami alphabetically--nasa unahan ako near the door. at advantage yon kasi katabi ko sa right ay pader at sa left isang girl, kaya di ako na-pre-pressure. we first answered the Mental Ability test, tapos tsaka kami nagsimula sa mga subjects: English, Math at Science. sa sobrang seryoso ko sa test, di na ako kumain.
yon, pagkatapos ng test, lumabas na kami ng UST at kumain sa Goldilocks. then we took a bus ride papuntang Greenhills. bumili ako ng Hide album at Blitz 5 days concert ng deg (2-4 cds) sa JAE. hai... ang saya ko..
No comments:
Post a Comment